Luke x Win Part 3 (Filipino BL)
“P-paki-ulit nga Kuya?” ang tanong ko ulit, di ko alam kung matatawa o maiinis. “Zipper ko buksan mo, daliiii!” “Bakit ako ang magbubukas niyan, e may kamay ka naman.” “Aba’t, pilosopo ka ah! Bubuksan mo ba o ilulublub ko ang mukha mo sa tubig upang malunod ka uli!” “Kuya, OK ka lang? Naka-bato ka ba? Nakasinghot ng katol? O na-overdose sa gatas? O baka nawan inatake na ng uwang yang utak mo at hindi ka na makapag-isip ng maayos!” “Tado ka ah! Ano, bubuksan mo ba o hindi? Tandaan mo, utang mo sa akin ang pagkakaligtas mo d’yan dahil sa katarantaduhan mo.” “O sige na nga!” Ang sagot ko na lang, nakonsyensya sa ginawa niyang pagligtas sa akin. Pakiramdam ko, nanginig ang buo kong kalamnan noong hinawakan na ng dalawa kong kamay ang butones ng pantaloon niya. Habang abala ang mga kamay ko sa pagsalat sa butones at pagtanggal nito, pinagmasdan ko naman si Kuya habang nakatihaya, ang mga kamay ay ginawang sandalan ng kanyang ulo at kalmanteng naghintay sa sunod na mangyayari. Ibinaba